Gud morning po sinyor,
Anu po ibig sbhin ng panaginip na nagllakad sa bybaying dagat? tapos sa pampang at ang ksma q dw po ay nagdumi at 2muntong lng sa bato, pagktpos binuhusan nya dw ng clorine.ang dagat at may mga isda po doon, bka malason, tapos nglalakad po kming tatlo sa my buhangin, aq ang nahuli, my nkta po aqng tsani at pinulot ko..tnx sir, pa-intrepret po. col me avie’celyn, dont post my #.
To Avie’celyn
Kung ikaw ay naglalakad nang maayos sa panaginip, ito ay nagsasaad na ikaw ay mabagal na naglalakbay sa buhay subalit steady naman ang pagsulong tungo sa iyong mithiin o mga pangarap. Ito rin ay nagpapakita na ikaw ay sumusulong sa iyong buhay sa pamamaraang naroon ang iyong kompiyansa, subalit dapat ding maging mapagmatyag at ikonsidera ang iyong landas na tinatahak at patutunguhan. Kung nahihirapan ka naman sa paglalakad, nagpapaha-yag ito ng pag-aalinlangan sa pag-usad hinggil sa ilang sitwasyon bunsod ng mga balakid at sagwil na kahaharapin o kasalukuyang hinaharap na sa iyong buhay.
Ang baybay-dagat ay may kaugnayan naman sa emotional needs at inner turmoil. Ito ay simbolo rin ng lugar na kung saan ang iyong conscious mind ay nagtatagpo sa iyong unconscious mind. Ang buhangin ay nagsasaad ng paglipat ng perspektibo o ng pagbabago ng iyong pag-uugali. Posible rin naman na ito’y nagpapahiwatig ng pagkasayang ng oras o pagpapabaya mo kaya ikaw ay nalipasan ng panahon.
Ang tiyani sa panaginip ay nagpapakita o nagsasaad na kailangang tignan mo ang sitwas-yon nang mas malapit at nang mas maigi. Mayroong bagay na nangangailangan ng precision at accuracy. Maaaring paalala rin ito sa iyo na huwag magpadalos-dalos sa mga desisyong gagawin, lalo na ang mga mahahalagang bagay.
Señor H.