ni Maricris Valdez Nicasio
TALAGANG pinaninindigan na ng Hotel Sogo na pampamilya na ang kanilang hotel kaya naman sunod-sunod na ang mga kawanggawa nila.
Katatapos lang ng kanilang Sogo Urban Adventure Race na bago iyon ginawa ay nagkaroon muna sila ng Feeding Program noong March 29 na ginawa sa Hotel Sogo Malate. Kasama roon si Robert David Quickly, Founder, Hospitality for Homeless Foundation. Sa naturang Feeding Program, nabiyayaan doon ang may100 kabataan mula Barangay 704, 702, 721, at 734 District 5 ng Maynila na binigyan sila ng mga pagkain,, linen, at school supplies.
Katulong sa naturang event ang Department of Social Welfare and Development, sa pamumuno ni Ms. Maria Julie S. Bajelot, Chief, DSWD District 5 – Manila, and Day Care Worker Association (District 5, Manila).
Pagkatapos ng Feeding Program, isinunod naman ang Elite Race. Ang race na ito ay tradisyon ng Elite Men and Elite Mixed Categories at isang Fun Race category.
Ang race ay tinampukan ng biking, trekking, running, rapelling, swimming, rope ascending, rope traversing, sport climbing, exotic food eating, urban navigation, raft building, at problem solving.
Ang 1st finishing team para sa Elite Men Category ay ang Team Solido—Ernest Louie Peralta at RasselBasua na sinundan ng Team BastaBisayaGahi—Raquel Espinosa at RoelAno, at ang 3rd finish ay ang Team EZ Biker—Tristan Justin Valencia at CrisantoMaturana.
Sa Elite Mixed Category naman ay napagwagian nina Let’s Go—Jimmy Hembra at Claire Tuazon; na sinundan nina Team One—Ryan Christopher Moral at Charwaine Bartolay, at Team MMS1—Romulo Henson agt Heidi Sarno.