Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

ARISE Gary V 3.0 sa Araneta Coliseum!

ni  Maricris Valdez Nicasio

IPAGDIRIWANG ni Gary Valenciano ang kanyang 30th anniversary sa business sa isang two-night benefit concert sa Araneta Coliseum para sa  mga biktima ng bagyongYolanda na pinamagatang ARISE Gary V 3.0 sa Abril 11 at 12. Ang ARISE ay ang biggest at grandest musical event ngayong summer season as it documents Gary’s extraordinary career bilang singer/songwriter, actor, record producer/arranger, at TV host that spans 30 decades.

Mapapanood sa ARISE ang impressive body of work ni Gary, bilang isa sa mga top male performers ng bansa, mula sa kanyang wide catalogue of multi-platinum, full-length studio albums na nag-prodyus ng ilang  greatest songs sa kasaysayan ng OPM. Ang mga hit song ni Gary ay kinabibilangan ng mga romantic ballad, inspirational song, at energy-packed dance anthem na dahilan kung bakit siya napamahal sa milyon-milyong loyal fans.

Ite-trace ng concert ang musical roots ni Gary mula noong early 80’s when he first danced and sang his way to the hearts of Filipinos as an up and coming young singer to the 90’s na na-sustain naman ang kanyang superstardom with a consistent string of hit songs, blockbuster movies, and sold-out concerts both here and abroad to his current iconic state bilang isa sa mga pinaka-influential na liders sa entertainment industry.

Para sa kanyang mga tagahangga, hindi lamang isang Pinoy pop-culture icon si Gary sapagkat kinakatawan din niya ang pag-asa ng mga tao dahil sa kanyang longtime 35-year battle laban sa Type 1 juvenile diabetes na itinuturing na milagro dahil he has defied medical statistics with no complications at all sa kanyang mga body function. Through the years, Gary championed the cause of hope and his unwavering faith through his impressive body of work.  Ang kanyang long-time friend at seasoned producer na si Eloisa Matias ay ang nag-o-oversee sa production management ng proyekto. ”I have waited a long time to work with Gary who certainly is the best performer of this lifetime and he has been working so hard to give his fans a real unforgettable experience.”

Eloisa is working hand-in-hand with stylist Michael Salientes at sina Gina Valenciano-Martinez at Marinez Elizalde ng Manila Genesis, who both have been collaborating with various designers and technical suppliers. Gagawa rin ng mga amazing costume designs sina Francis Libiran at Maxie Cinco para sa event.

Ang adbokasiya ni Gary na i-inspire at haplusin ang puso ng kanyang fans ay makikita sa recent release ng latest inspirational CD under Universal Records na With You at sinusundan ng album ang mga nakaraang hit inspirational albums ni Gary gaya ng Shout For Joy (1991), Revive (2001),  Soulfull (2005), at Rebirth (2007) na siyang nag-prodyus ng mga crowd favourite tulad ng Shout For Joy,  Natutulog Ba Ang Diyos,Gaya Ng Dati, Take Me Out Of The Dark,  Could You Be Messiah, I Will Be Here,Warrior Is A Child, at Shake It Off.

“It has been a wonderful and humbling journey,” paglalahad ni Gary. ”Gusto kong ibahagi ang concert na ito sa aking fans at sa mga taong tumulong sa akin upang marating ko ang kinalalagyan ngayon.”

Gary, who joined the several organizations gaya ng Energy Development Corporation (EDC) at UNICEF Philippines sa  outreaches sa Leyte matapos ang bagyong Yolanda ay nangakong ipagpatuloy ang suporta sa cause ng kalamidad at pati na rin ang unos na sanhi ng lindol sa Bohol.

Joining him in ARISE bilang special guests ay ang multi-awarded former front-man ng Rivermaya na si Rico Blanco, Myx VJ artists na sina Sam Concepcion at Iya Villania, ang rocker na si Paolo Valenciano who will co-direct the show with his father, international online phenomenon and Super Selfie King na si Gab Valenciano, DJs Papiat Tom Taus, at ang phenomenal all-girl vocal group na AKA JAM. The dance team is led by G-Force, the Manoeuvres, and the LSDC. Gary V’s only daughter Kiana Valenciano adds spice to both nights habang ang Popstar Princess naman na si Sarah Geronimo ay lalabas bilang espesyal na panauhin ni   sa Abril 11.

For ticket inquires visit Ticketnet Online at www.ticketnet.com.ph o tumawag sa 911-5555.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …