Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko, tiyak na hahangaan sa Asintado

ni  Maricris Valdez Nicasio

FIRST choice pala si Aiko Melendez ni Direk Louie Ignacio para gumanap sa indie film na Asintado. Kaya naman maituturing na big screen comeback ito ng magaling na aktres.

Bale, first Cinemalaya entry din ito ni direk Louie na hindi naman masusukat ang galing sa pagdidirehe. Kung makailang beses na rin namang kinilala ang husay ni Direk Louie sa pagdidirehe ng mga TV special, TV shows, at MTV.

Samantalang si Aiko ay excited naman sa pagtanggap ng Asintado dahil entry ito saDirector’s Showcase category ng Cinemalaya Independent Film Festival na magpe-premiere sa Agosto.

Bale gagampanan ni Aiko sa Asintado ang role ng isang inang nangangailangang gumawa ng isang napakahalagang desisyon para sa kanyang mga anak, ang magliligtas sa buhay ng kanyang anak pero siya namang magiging sanhi rin ng pagiging criminal ng isa pang anak. Kaya naman tiyak na makikitang muli ang napakagaling na acting ng aktres sa pelikulang ito.

Malaking challenge rin ito sa kakayahan ni Aiko bilang aktres.

Ayon nga kay Aiko nang makausap namin ito sa story conference ng Asintado, ”Ang ganda ng script. When I first read it, hindi ko na binitawan. Akala tuloy ni Direk Louie ayaw ko gawin kasi hindi ko agad siya tinawagan na I am accepting the role.”

Makakasama ni Aiko sa Asintado sina Gabby Eigenmann, Jake Vargas, Rita de Guzman, Rochelle Pangilinan, at Miggs Cuarderno.

Sa kabilang banda, inamin ni Aiko na mahal pa rin niya ang ex-husband na si Jomari Yllana. Pero nilinaw naman niyang hindi raw iyon ‘yung klase ng pagmamahal in a romantic way.

“Mahal ko si Jom pero hindi ko pa siya nakikita on a romantic level. Mahal ko siya dahil siya ang tatay ng anak ko,” saad pa ni Aiko.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …