Hi Francine,
I really need your honest advice. I am deeply in love with my fiancée, she is the best woman out there. However, meron pang girl na gusto ko sana makasama before I’ll get married. You think I should do it if given the chance?
Thanks!
MEYNARD
Dear Meynard,
Sigurado ka na ba sa fiancée mo na siya na ang gusto mong makasama habambuhay? At handa ka na ba mag-asawa? Dahil kung engaged na kayo, ibig sabihin lang no’n na committed ka na sa kanya at isang hakbang na lang para kayo ay maging magkabiyak.
Kung tunay na mahal mo ang fiancée mo, at siya na ang the best sabi mo nga, bakit ka pa maghahanap ng iba? Kahit tikim-tikim lang ‘yan, mahirap ‘yan, tukso ‘yan, baka maapektohan lang ang relasyon ninyo.
Bawat gagawin mong bagay na alam mong hindi dapat at may kaakibat na consequence ‘yan, kung gagawin mo ang tumikim ng iba ay dapat maging handa kang mawala ang best wo-man na meron ka ngayon.
Love,
Francine
***
Try Me! Sa mga problema ninyo sa Love, Pamilya, Sex at Relasyon nandito ako handang sagutin base sa aking sariling opinyon, paniniwala at naresearch. Nasa sa inyo pa din kung ano ang susundin ninyo, ako ay option lamang. You can email me [email protected] or text me 0939-9596777