Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel’s DOS concert, mas-sexy at astig!

ni  Maricris Valdez Nicasio

SINASABING pinaka-astig na birthday celebration ang handog ng Teen King ng Philippine showbiz at multiplatinum-selling recording artist ng Star Records na si Daniel Padilla sa lahat ng manonood ng kanyang pangalawang major concert, ang DOS: The Daniel Padilla Birthday Concert at the Big Dome, sa Abril 30 (Miyerkoles).

Kaya naman ngayon pa lang ay todo-ensayo na ang actor para matiyak na magugustuhang muli tulad ng naging konsiyerto niya noon din sa Smart Araneta. Napag-alaman din naming mayroon itong duet kay Rico Blanco kaya todo ang pag-eensayong ginagawa niya.  Makakasama rin ni Daniel sa DOS ang kanyang ka-love-team na siKathryn Bernardo.

Ani Daniel, bilib na bilib siya kay Rico dahil sa kahusayan nito sa pagkanta. ”Oo, grabe, talagang napakagaling niya. Ayoko ngang kumanta, gusto ko lang manood. Noong rehearsal, nanonod lang talaga ako.

“Wala namang tips, tinutulungan lang niya ako sa kinakanta namin.”

Ayon kay Daniel, masaya siya sa muling pagkikita nila ng supporters niya sa pamamagitan nga ng konsiyertong ito. Isa rin kasi ito sa paraan ng kanyang pasasalamat sa mga tumatangkilik sa kanya.

Sabi pa niya, ”Kahit ‘yung relatives na ‘di ko masyadng nakikita, kaya excited ako, sobra.”

Inihayag pa ni Daniel na, ”Parang mas sexy ito, eh. Hindi ako ‘yung sexy, ‘yung mga kanta ang sexy.”

Pero nagpauna na ang Kapamilya teen idol na mas maganda kung hindi na lang mag-expect ng sobrang taas ang kanyang fans para hindi na rin sumama ang loob ng mga ito ‘pag hindi niya naabot ang inaasahan sa kanya.

“Wala naman akong balak higitan ‘yun. Maganda ‘yung una, mas gagandahan ko, gagalingan ko na lang.

“Ayoko lang ‘yung baka mag-expect masyado, para hindi na rin kayo masyadong masaktan.”

Nang itanong kung mas naging mahusay ba siyang singer o mas naging maganda ang boses niya ngayon kompara sa rati? Sinabi nitong, ”Hindi naman po, mas kumapal lang siguro ang mukha ko ngayon hahaha. Mas komportable lang kaysa noong una.”

At dahil successful ang concert at laging platinum ang kanyang mga album, nangangahulugan bang puwede na siyang maging Concert artist? ”Hindi naman po,hindi ko nga po nabibigyan ng masyadong time ang pagiging singer.  Ang gusto ko talagang tutukan ay ang pagiging actor ko. Roon na lang po ako sa pagiging actor. ‘Yung acting ko na lang po ang paghuhusayan ko.”

Sa kabilang banda, kakantahin ni Daniel ang mga bago at lumang old school rock songs na malapit sa puso niya gaya ng One Way or Another ng Blondie, Something ng The Beatles, at You Really Got Me ng Van Halen.

Bukod kay Rico, makikipag-jamming din Daniel sa kanyang DOS concert ang actor-singer na si Khalil Ramos, ang banda niyang Parking 5, at The Reo Brothers, ang bandang binubuo ng apat na magkakapatid na lumikas mula sa Tacloban matapos salantain ng super typhoon Yolanda.

Ang DOS ay mula sa produksyon ng ABS-CBN Integrated Events at Star Event at ang tickets para sa DOS concert ay nagkakahalaga ng P3,710 (moshpit); P3,180 (VIP); P2,970 (Patron A); P1,275 (Patron B); P745 (lower box); P530 (upper box); at P265 (general admission).

Mabibili na ang tickets sa opisina ng Smart Araneta Coliseum at sa Ticketnet outlets sa buong bansa. Maaari ring tumawag sa Ticketnet hotline na 9115555 o mag-log on sa Ticketnet.com.ph.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …