Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bistek, ngiti at pa-cute lang ang isinagot ukol kay Kris

ni  Maricris Valdez Nicasio

NATUWA kami sa imbitasyon ni katotong Jobert Sucaldito noong Biyernes, ang QC Grand JS Prom na ginawa sa Tropical Garden QC Memorial Circle dahil panauhing pandangal doon ang Mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista. Inaasahan naming makaka-usap ito ukol sa pag-uugnay sa kanila ni Kris Aquino.

Subalit, tulad ng dati, ngiti at pa-cute lang ang aming natanggap na sagot sa butihing Mayor. Kaya naman nagkakatawanan na lamang ang mga entertainment press na inimbitahan sa naturang okasyon. Sa haba ng tanong at dami, wala ni isa itong sinagot.

Talagang hindi pa rin nagbabago si Bistek pagdating sa kanyang lovelife. Talagang napaka-private pa rin nito. Kaya ang inaasahan naming scoop na makukuha ay nawala. Pero pagdating sa pamamalakad sa Quezon City, asahan mong milya-milya ang isasagot nito.

Anyway, matagumpay ang ginawang QC Grand JS Prom na ang tema ay Heroes Making Bridges For The Future. At kahit super abala ang mayor ng QC ay naroon iyon para makiisa at makisaya sa mga kabataang dumalo sa pagtitipon.

Nakihalubilo si Mayor Bistek sa mga kabataan at kitang-kita ang pagkagiliw niya sa mga ito, kaya hindi kataka-takang maging idolo siya ng mga kabataan.

At kaya pala magaling makipagkapwa si Herbert, napag-alaman naming mayroon siyang Masters in Public Admin sa UP at Masters in National Security Administration sa Natonal Defense College. Bongga ‘di ba?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …