Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anne, aawit ng Opera songs sa Anne Curtis: The Forbidden Concert-AnneKapal

ni  Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Anne Curtis na hindi ang ganda ng kanyang boses ang pinupuntahan o pinanonood sa kanyang concert, kundi ang kanyang mga pasabog o ‘yung mga production number.

Na siya namang totoo dahil napanood ko ang concert niya noong 2012, ang Annebisyosa No Other Concert sa Smart Araneta at talaga namang overwhelming ang reaction ng mga nanood dahil sa mga pasabog na tinutukoy ng aktres. Kaya naman tiniyak ni Anne, na nag-level-up na ang production niya sa The Forbidden Concert: AnneKapal sa May 16.

“Well, definitely hindi ‘yung voice ko. But what excites me in this concert po, palaging may pasabog po. Palaging may pinaghahandaan—stunts, costumes, production. That’s what we make sure na mangyayari talaga.

“Alam ko na ‘yung pumupunta roon, mga nanonood ng concert ko is not really to listen to my voice, they’re not there for that. So, I really want to make sure that I’ll give them a great show, as in production talaga,” giit ni Anne kaya naman she’s rehearsing religiously at hands on sa lahat ng aspeto ng production.

Nakatatawa ngang habang nagpe-presscon ay manaka-nakang nagpapatikim siya ng mga kantang posibleng marinig sa kanyang concert. At isa nga sa sinasabi niyang pasabog ay ang pagkanta niya ng opera songs. At in fairness, sa ipinarinig niyang opera song, panalo si Anne at tila bagay sa kanyang boses.

“I’m having voice lesson for that para ma-sustain ko ang chord. May part doon na hindi ko nasu-sustain ang chord nang matagal, so mag-aaral ako for that.

“Ganoon ko siya pinaghahandaan, pati na rin ang breathing when dancing and singing.”

Sinabi pa ni Anne na mahilig siya sa mga classical music at mahilig din siyang manood ng mga play.

“I was actually singing out loud from ‘Phantom of the Opera’.

“At kapag may mga birit akong ballad, sabi nila, ‘yung voice ko pala, bagay daw for opera. So, sabi ko, ‘why not try and see’.

“So, ‘yung sustain lang ng voice, ‘yun ang pag-aaralan ko, but I think may future ako roon. Huwag na ‘yung mga super ballad.”

Sa mga ipinarinig ni Anne sa amin, nakatitiyak akong mas mag-eenjoy ang mga manonood ngayon sa kanya sa AnneKapal concert na ang magdidirehe pala ay si Ms. Georcelle Dapat-Sy at ang musical director niya ay si Marvin Querido. Available na ngayon ang ticket sa Ticketnets sa online at sa www.ticketnet.com.ph. Para sa ticket tumawag sa 9115555 at sa Viva Concerts sa 6877236. Ticket Prices are Patron A—P5,500; Patron B—P4,500; Patron C—P4,500; Upper Box A—P3,000; Upper Box B—P1,000, at General Admission—P500.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …