Sunday , April 13 2025

James, importante ang loveteam with Nadine (Kaya tinanggihan ang Moon of Desire…)

ni  Maricris Valdez Nicasio

MAKATWIRAN ang dahilan ni James Reid kung bakit tinanggihan niya ang role na inialok ngABS-CBN2 para sa desirable series na Moon of Desire. Ibang teen actress kasi ang ipinapareha sa kanya gayung bago pa lamang ipino-promote ang loveteam nila sa Diary ng Panget The Movie ngViva Films, at ito’y si Nadine Lustre.

“Siyempre po may ka-loveteam na ako si Nadine, tapos magkakaroon pa ako ng iba. ‘Di po ba makakalito iyon? Tapos po, magkakasabay ang taping ng Moon of Desire sa promo and shooting ng Diary ng Panget.

“At saka, mas gusto kong mag-concentrate muna rito sa pelikula namin ni Nadine. Dahil napakalaking project po ito ng Viva,” paunang paliwanag ni James nang makausap namin ito sa isang pocket presscon ng pelikula noong Huwebes.

Sinabi pa ni James na hindi pa rin siya handang magpakita ng katawan dahil tila medyo sexy nga ang dating ng Moon of Desire.

Samantala, trending naman ang loveteam nina James at Nadine sa Yahoo Philippines noong Lunes, March 24. Maging sa Twitter, hindi rin nagpahuli ang kanilang much-awaited summer rom-com kilig much movie dahil pasok sa trending topics ang Diary ng Panget gayundin si James.

Kung gaano kalakas ang librong Diary ng Panget, ganoon din ang pelikula dahil isang linggo bago ang opening day nito sa Abril 2 sa mga sinehan ay lalong lumalakas ang suporta para sa pelikula. Napag-alaman naming maging sa Youtube, umabot na sa 1,552,886 views (as of March 26, 5:00 p.m.) ang mga tumingin sa official trailer ng pelikula at nadaragdagan pa ito kada minuto. May 133,000 likes naman ang Diary ng Panget the Movie sa Facebook page.

At sa totoo lang, tila kinikilig ang sinumang nakapanood ng music video na No Erace (isa sa mga kantang kasama sa Diary ng Panget official movie soundtract) nina James at Nadine dahil damang-dama raw ang chemistry ng dalawa. Umabot na sa 450,000 ang bilang ng “views” nito sa Youtube samantalang ang Paligoy-Ligoy na inawit ni Nadine ay pumalo na sa humigit-kumulang na 216,000 views.

Marami pang aabangan kina James at Nadine sa Diary ng Panget mall caravan. Matutunghayan sila sa March 27 sa SM Sta Mesa; SM Marikina at Fisher Mall sa March 28; SM Rosario at SM Bacoor sa March 29; SM Fairvew sa March 30; SM Calamba sa March 31; Trinoma sa April 4; at SM Sta. Rosa sa April 5.

Huwag palampasin ang Diary ng Panget The Movie na idinirehe ni Andoy Ranay base sa bestselling book ni Denny. Mapapanood na ito sa Abril 2.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Buraot Kween

Nora, Vilma, Maricel, at Sharon gustong makatrabaho ni Buraot Kween

MATABILni John Fontanilla TULOY na tuloy ang pagpasok sa showbiz ang isa sa Queen ng …

Kathryn Bernardo ABS-CBN Ball 2025

Kathryn Bernardo masaya kahit single

MATABILni John Fontanilla MARIING pinabulaanan ni Kathryn Bernardo na in a relationship siya ngayon. Sa isang interview, …

Kris Bernal

Dibdib ni Kris Bernal pinagtripan ng Orangutan

MATABILni John Fontanilla NAGULAT si Kris Bernal nang biglang halikan at hawakan ang kanyang dibdib ng isang …

Chad Kinis MC Calaquian Lassy Beks Battalion

Chad  ipinagtanggol si MC matapos sabihang tamad, walang pangarap

MATABILni John Fontanilla TO the rescue ang comedian at vlogger na si Chad Kinis para ipagtanggol ang …

Andrew E Mylene Jassley Fatima

Debut ng unica hija ni Andrew E handang-handa na

HARD TALKni Pilar Mateo 18. DEBUT.  Transformation. Changes. Choices. Daddy’s Girl. The only girl sa tatlong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *