Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jairus at Francis, nagkakainitan dahil kay Sharlene

ni  Maricris Valdez Nicasio

MASASANGKOT sa isang malaking gulo ang mga karakter ng Kapamilya teen star na sinaSharlene San Pedro, Jairus Aquino, at Francis Magundayao ngayong Sabado (Marso 29) sa pagpapatuloy ng  Wansapanataym Presents Si Lulu at Si Lily Liit.

Dahil sa pagkawala ng kapatid, hihingin ni Lulu (Sharlene) ang tulong ng kaibigang si Adrian (Francis) upang mabawi nila si Lily (ginagampanan din ni Sharlene) mula kay Harvey (Jairus).

Paano maaapektuhan ng kambal ang relasyon ng magkapatid ding sina Adrian at Harvey? Tuluyan na bang mawawalan ng pag-asa na magkaayos ang dalawa sa oras na saktan ni Harvey si Adrian?

Tampok din sa Si Lulu at Si Lily Liit sina Paul Salas, Desiree del Valle, Assunta de Rossi, John Lapus, Ron Morales, John Medina, JB Agustin, at Nikki Bagaporo. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at idinirehe ni Manny Palo.

Huwag palampasin ang Best Development-Oriented Children’s Program ng 2014 Gandingan Awards, Wansapanataym, pagkatapos ng  Bet On Your Baby sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …