Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, mahal pa rin si Anne

ni  Maricris Valdez Nicasio

POSIBLE raw kayang mahal pa ni Sam Milby si Anne Curtis? Ito ang tanong ng marami matapos mapanood ang guesting ng aktor sa Kris TV.

Mula raw kasi nang magkalabuan ang dalawa, wala nang nabalitang naging girlfriend muli si Sam samantalang si Anne ay mayroon na, siErwan Heussaff. Dagdag pa ang balitang ’di na itinuloy ni Sam ang panliligaw kay Jessy Mendiola.

Nariyan pa ang pag-amin ni Sam na inakala niyang magiging aawkward ang pagsasama nila ni Anne sa ABS-CBN primetime series naDyesebel, dahil apat na taon na pala ang huli nilang pagsasama sa isang proyekto.

“Akala ko lang ‘yung first day magiging awkward. Kasi four years na, hindi naman kami nagkikita. We haven’t had any projects together since ‘Babe I Love You’ (movie) which was four years ago,” ani Sam sa interbyu sa kanya noong Miyerkoles sa Kris TV.

Pero naging masaya naman daw ang pagsasama ngayon nina Sam at Anne at iginiit na walang ilangan. Kaya naman isa raw si Sam sa bumubuhat kay Anne kapag naka-dyesebel na ito.

At nang tanungin nina Kris at guest co-host nito na si Carmina Villaroel si Sam kung he still feels the butterflies whenever he sees his ex-girlfriend, Sagot ni Sam habang nakangiti: “Sa tingin niyo ba kailangang sagutin? I’m sure you already know that.

“I think we were too young and too immature noong time na ‘yun.”

So ‘yun na! Kailangan pa bang mag-explain pa ni Sam?!

Naku, watch kayo gabi-gabi ng Dyesebel at doon n’yo makikita ang pagmamahal pa lalo ni Sam kay Anne.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …