Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mira Bella, nabihag agad ang puso ng TV viewers!

ni  Maricirs Valdez Nicasio

HINDI kataka-takang nabihag agad ng Mira Bella nina Julia Barretto at Enrique Gil ang puso ng mga manonood sa pag-arangkada nito noong Lunes, Marso 24. Pumalo kasi agad ang pilot episode ng fantaserye dahil sa naiibang ganda ng kuwento.

Base sa datos mula ng national TV ratings sa Kantar Media noong Lunes (Marso 24), agad nitong binihag ang puso ng mga manonood. Nakakuha ng 22% o mahigit doble ng nakuha sa katapat nitong programa sa GMA na Paraiso Ko’y Ikaw na mayroon lamang  10%.

Bukod sa ratings, panalo rin ang serye nina Julia at Enrique sa mga sikat na social networking site tulad ng Twitter na naging number one worldwide trending topic ang hashtag na #TheStoryOfMirabella.

Umpisa pa lamang ‘yan, tiyak na lalong mapapaibig ang buong sambayanan sa kuwento ng Mira Bella na isinilang na ang anak nina Daisy (Dimples Romana) at Alfred (James Blanco) na si Mira. Ano pa kaya ang gagawin nina Osang (Pokwang) at Paeng (John Lapus) nang nalamang minana ni Mira ang sumpang ibinigay ni Olive (Mylene Dizon) kay Daisy? Kaya ba nila itong palakihin na puno ng pagmamahal sa kabila ng pagtalikod ng kanyang ama at pagkawala ng kanyang ina?

Kaya huuwag palalampasin ang teleseryeng babago sa kahulugan ng tunay na kagandahan, Mira Bella, gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …