Monday , December 23 2024

Book for special child, malapit nang matapos ni Candy

ni  Maricirs Valdez Nicasio

INTERESTING at malaki ang maitutulong ng librong isinusulat sa kasalukuyan ni Candy Pangilinan ukol sa mga tulad niyang may anak na special child.

Aminado si Candy na hindi madali ang pinagdaanan niya mula nang makompirmang special nga ang kanyang anak na si Quentin Alvarado.

Sampung taong gulang na ngayon si Quentin na diagnosed na mayroong ADHD (Attention Deficit Hyperactivity Disorder) plus a “high-sensory integration problem.”

Sa pakikipagkuwentuhan namin kay Candy sa taping ng Beki Boxer na pagbibidahan ni Alwyn Uytingco at mapapanood na sa March 31 sa TV5, naikuwento nitong, noong una’y hindi niya matanggap na mayroon ngang ganitong sakit ang anak. Kaya naman humingi pa siya ng second opinion sa pag-asang baka nagkamali lamang ang unang doktor na tumingin. Subalit, pare-pareho iyon ng mga sinabi kaya naman imbes na manlumo ay inalam niya ang mga bagay-bagay para matulungan ang anak gayundin ang kanyang sarili.

“Sabi sa akin ng doctor ng anak ko, gumagawa siya ng sarili niyang mundo. Lahat ng  gulong, pinapaikot niya. Kahit square, pinapaikot niya. Rati, ang gagawin niya, iuuntog ang ulo sa dingding at kakagatin ang sarili n’ya. Noong mas bata pa siya, matatalisod siya. Mahina ang motor skills eh. At dahil hindi na-signal sa brain ‘yung pain, kapag bumagsak siya at nakita kaming nagulat, doon siya magsasabi ng ‘Ouch!”

Kaya sa librong isinusulat ni Candy, naroon lahat ang ukol sa pinagdaanan niya sa kung paano niya inalagaang mabuti si Quentin—ang pag-develop ng pagsasalita nito, pag-pay ng attention sa kanya at kung ano-ano pa. Naroon din ang kung paanong mula sa pagiging ADHD ng anak ay na-rule out na ang pagiging autism nito six months ago dahil na rin sa tiyaga at pagmamahal na ibinigay niya rito.

Sa kasalukuyan, nasa part ng age three or four ni Quentin na si Candy na plano niyang i-release ang libro sa September o October.

“May pag-asa because of therapy and consistency. Kailangan tutok at mahabang pasensiya.  Magastos din.

Kaya naman kinailangan ni Candy na magtrabaho nang magtrabaho para matustusan ng pangangailan ng kanyang anak para pambayad sa tuition sa isang regular school at special education class. Bukod kasi rito’y mayroon din siyang occupational therapist, a speech therapist at shadow teacher para lalong ma-improve pa ang kalagayan ni Quentin.

Bagamat magastos, natutuwa naman si Candy na unti-unting nagkakaroon na ng improvement ang kanyang anak.

Samantala, iikot ang kuwento ng Beki Boxer kay Rocky Ponciano (Alwyn), isang lalaking may natural na talento sa pagboboksing. Nang matalo sa isang mainit na boxing match ang kanyang amang si Max (Christian Vasquez), naging pangunahing misyon ni Rocky na maging isang world-class boxer upang mabawi ang nawalang karangalan ng kanilang pamilya.

Ngunit hindi basta-bastang boksingero si Rocky. Habang ang mga pamatay niyang suntok ay kinatatakutan ng mga kalaban, alam niya sa  sarili na ang hari ng ring ay isang…bading.

Makakasama nina Alwyn at Candy sina Christian, Cholo Barretto, Onyok Velasco, Joross Gamboa, John Regala, Claire Hartell, Kristel Moreno, Danita Paner, at Vin Abrenica na gaganap bilang si Atong, ang love interest ni Rocky.

Mapapanood ang Beki Boxer simula Lunes, March 31, 7:00 p.m. sa TV5!

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *