ni Roldan Castro
HINDI nagseselos si Angelica Panganiban sa mga lambingan at tukaan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga sa Home Sweetie Home. Trabaho raw ‘yun, bakit naman daw siya makikialam.Ayon pa sa comedy actress ng Banana Split, ayaw din niyang pipigilan siya at pakikialaman sa pagtatambal nila ni Gerald Anderson sa isang movie sa Star Cinema.
Pinabulaanan din ni Angelica na natakot siya na makapartner si Gerald at nag-isip muna siya. Katunayan, excited siya na magkaroon ng bagong friend, katrabaho at bagong karanasan.
May feedback naman daw na nakarating sa kanya na masarap katrabaho si Gerald.
Ang kailangan lang nilang patunayan ngayon sa moviegoers ay kung kakagatin sila at kung lalabas ang chemistry nila bilang magkatambal.
‘Yun na ‘yun!