TUNAY na nakabibighani ang alindog ni Nicole Scherzinger at mukhang nasa mood ang dating X Factor judge na ipakita ito sa pagdalo niya sa BRITs Awards Sony Music party.
Sa pagdalo at pagtangap ng award, inilugay ni Nicole ang kanyang buhok at nagsuot ng nude coloured outfit na masikip na A-line skirt, revealing crop top at matching jacket.
Nakunan siya ng larawan habang parating sa Arts party, at nahuli rin ang bituin na inaayos ang kanyang damit—at sa hindi inaasahan ay muntik na lumitaw ang kanyang dibdib bukod sa malalim na cleavage.
Samantala, napag-alaman din na maraming dapat ipagdiwang si Nicole sa paghayag na naki-join na siya sa Sony Music.
Gamit ang Twitter, sinabi niya: “So excited to be joining the Sony Music/RCA UK family! I can’t wait to share new music with all of you. Xoxo.”
Sa BRITs, inihayag din ni Nicole, kasunod ng kanyang pag-exit sa X Factor (kinompirma ito ni Simon Cowell), ang kanyang excitement na makatagpo ang supermodel na si Kate Moss.
Gamit naman ang Instagram, wika ng dating Pussycat Doll:
“Blast at #Brits2014 Hanging w/my girl Kate #Ziggy #Bowie.”
Kinalap ni Sandra Halina