Gud pm sir,
Gs2 ko lng po mlman ung panginip ko dahil may nkita akong bangkay d ko sure kng sino o kilala ko ito, bkit kaya ako nnginip ng ganito? Ano kaya ang sinsabi o gs2 iphiwatig nito s akin? Hhntyin ko po ang sgot nyo s txt ko s hataw, slamat po s inyo en more power to ur kolum sir, pls don’t print my CP #… im franncyn..
To Franncyn,
Kapag nakakita ng bangkay sa iyong panaginip, ito ay maaaring nagre-represent ng isang aspeto ng iyong pagkatao na namatay na. O kaya naman, ikaw ay unexpressive o kulang sa buhay, maaaring sa iyong trabaho, pag-aaral sa mga mahal sa buhay at pati na sa iyong kasintahan o asawa (kung mayroon man). Ito ay maaaring nagsasabi o nagpapahiwatig sa iyo na isinara mo ang yong sarili kaya animo patay ka na sa mundong iyong ginagalawan. Ito ay posible rin namang nagsasabi ng ukol sa pagpatay, paglibing o pagtatapos sa isang relasyon at pagsasara sa mga nakalipas, upang makapagsimula ka na naman ng bagong kabanata sa iyong buhay. Maaaring paraan din ito upang mapakawalan ang ilang damdamin tulad ng resentment, anger, at hostility para sa ilan.
Señor H.