Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P30-M Shabu kompiskado bigtime tulak arestado

030614 shabu drug arrest

ARESTADO sa isang buy bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang drug pusher na kinilalang si Muhammad Salih sa parking lot ng grocery store sa Congressional Ave., Brgy. Bahay Toro, Quezon City. Tinatayang P30 milyon halaga ng shabu ang nakompiska sa suspek. (ALEX MENDOZA)

NAARESTO ng mga operatiba ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug pusher, makaraang makompiskahan ng 200 gramong shabu, nagkakahalaga ng P30 million (street value), sa isinagawang buy-bust operation, sa Quezon City,  kahapon ng hapon.

Sa ulat ni ni Atty. Jacqueline de Guzman, PDEA, Regional Director ng National Capital Region,  kinilala ang suspek na si Mohamad Salih Rataban, ng 35 Road 20, Parinas St., corner Abacao St., Barangay Bahay Toro, nadakip dakong 1:30 p.m. sa  kanto ng Pangilinan Street at Congressional Avenue.

Ayon kay De Guzman, mula pa noong Disyembre 2013, minamanmanan na ng ahensya ang suspek makaraang makatanggap sila ng impormasyon hinggil sa  mga aktibidades ni Rabatan.

Inaalam pa ng PDEA kung anong grupo ang kinaaaniban ng suspek.

(Almar Danguilan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …