Sunday , April 27 2025

Mayor buhay sa ambush patay sa atake sa puso

HINDI napuruhan ng mga nanambang pero hindi rin nakaligtas sa kamatayan ang alkalde ng Maitum, Sarangani Province, nang siya ay atakehin nitong Biyernes ng gabi.

Kinompirma ni Sr. Insp. Arnold Montesa ng Maitum PNP, patay na si Mayor George Perrett, matapos ideklara ni Dr. Johnson Wee ng Elizabeth Hospital, General Santos City, dakong 2:50 madaling araw, kahapon.

Una rito, nasugatan sa kaliwang bahagi ng hita ang alkalde matapos pagbabarilin sa kanyang sasakyang  minamaneho kasama ang asawang si Elsie at lima pa, dakong 10:00 ng gabi nitong Biyernes sa Purok Bugo, Barangay Malalag.

Bagama’t hindi malala ang pagkasugat sa alkalde, tumaas ang kanyang blood pressure kaya nahirapang huminga na naging sanhi ng atake sa puso. Galing ang alkalde sa isang Sayawitan Interschool Contest nang tambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek. Sugatan din sa ambush ang kasambahay na si Adelma Andal na ligtas ang kalagayan.

About hataw tabloid

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *