Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Principal napatay amok na titser nag-suicide

012214_FRONT

SABOG ang ulo ng isang elementary principal matapos barilin ng guro na nagbaril din sa sarili sa Negros Occidental.

Patay agad ang biktimang si Jojit Gaudiel, 40, OIC-Principal ng Trinidad Elementary School sa Pontevedra, Negros Occidental dahil sa isang tama ng bala sa ulo.

Pagkatapos makompirmang patay na ang principal, nagbaril din sa sarili ang suspek na guro na si Harold Salas, 37, ng nasabi rin paaralan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, habang nasa paaralan ay biglang nagwala ang suspek at tinutukan ng baril ang isang guro na si Nenita Delgado ngunit hindi pumutok at hinabol ang isang Mr. Espadera na mabilis nakapagtago.

Nagkataon na naroon din si Gaudiel at siya ang pinaputukan na naging sanhi ng kamatayan.

Masusing inaalam ng pulisya ang motibo ng krimen ngunit pinaniniwalaang may kaugnayan ito sa buhay pag-ibig ng suspek sa babaeng co-teacher. Sinasabing nakarating sa kaalaman ng mga magulang ng babae ang kanilang relasyon ngunit tutol sa kanya.

nina DANG GARCIA/BETH JULIAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …