SISING-ALIPIN na raw talaga ang mga nagsipagbaliktaran lalo na roon sa mga area ngayon na malapit na malapit sa mga ginawang tambakan ng basura sa Maynila.
After NEW YEAR kasi ‘e naglaho na ang mga tagahakot ng basura. Hindi natin alam kung ano ang tunay na kwento pero ang sabi-sabi ‘e hindi na raw ini-renew ng administrasyon Erap ang kontrata sa dating naghahakot ng basura.
Bakit kaya?
Weder weder lang ba?
Totoo ba ang balita na ang plano ng administrasyon ni Erap na kuning bagong tagahakot ng basura ay ‘yung naghahakot rin ng basura sa Laguna ganoon din sa San Juan?!
Hindi ba’t d’yan nga nagtampo si Erap dati sa kanyang ‘kaibigang’ si Mayor Alfredo Lim dahil hindi nakaporma ang kompanyang inirerekomenda niyang maghakot ng basura sa Maynila?!
Noong tapatan niya sa nakaraang eleksiyon si Mayor Lim, ‘yan din ang naging propaganda niya. Mabantot na raw ang Maynila at santambak ang basura kaya kailangan nang palitan ang alkalde.
Sa kabila ng disqualification case ‘e pinatakbo nga siya ng Comelec at pinalad na makakuha ng boto na napaka-marginal ang lamang sa boto ni Mayor Lim.
Ngayon, LUMINIS AT BUMANGO ba ang Maynila sa administrasyon ni Erap?!
Bayan, kayo na ang humusga!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com