Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Malapit ang loob sa anak ng ex-amo

Mgandang umaga po,

Aq po diane ng mauban quezon tnung q lang kung bket po kya mdlas ko mpngnipan n mlapit skin ang loob ng anak ng dati kong amo at bkit po kya mdlas ko xia maalala pki txt po agad ang sgot slmat po (09463163830)

To Diane,

Kung ang tinutukoy mong malapit ang loob ay crush mo siya, ito ay literal na repleksiyon ng iyong atraksiyon sa taong napapanaginipan mo. Normal lang ang ganitong bagay na mapanaginipan ang iyong crush, dahil kung laging laman siya ng iyong isipan, natural na napakalaki ng posibilidad na mapanaginipan mo siya. Ito’y posibleng nagpapakita rin ng inaasam mong scenario o inaasam mong mangyayari kapag naging mas malapit kayo o mas yumabong ang inyong pagkakaibigan ng crush mo, o kaya naman, ng paghahangad mong magkita ulit kayo at magkalapit. Ito ay posibleng may kaugnayan o reflection sa iyong unconscious at sa iyong emotional state of mind para sa kanya. Sa kabilang banda, maaari rin namang ang iyong panaginip ay isang compensatory dream, bunsod ng mga bagay na gusto mong mangyari para sa iyo pero hindi naman nagkakaroon ng katuparan. Kaya lumalabas ang kabaligtaran ng mga nangyayari sa iyo sa reyalidad na magaganda at taliwas nga ng napapanaginipan mo. Subalit makabubuti rin kung magiging positibo ang pananaw mo sa buhay lalo na sa pagdating ng mga pagsubok at matitinding dagok ng buhay. Subalit tandaan na hindi ka dapat magpadalos-dalos sa bawat de-sisyong gagawin, lalo na ang mga bagay na may malaking koneksiyon sa iyong buhay at may epek-to sa buhay ng iba. Kasama na rin dito ang personal na bagay o ang ukol sa iyong love life. Goodluck sa iyo at God bless.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …