Monday , December 23 2024

Miss Philippines Bea Rose, Miss International 2013!

ITINANGHAL na Miss International ang ating kababayang si Bea Rose Santiago sa katatapos na 53rd Miss International pageant na ginanap sa Shinagawa Prince Hotel Hall, Tokyo, Japan kahapon, Martes, December 17.

Tinalo ni Bea Rose ang iba pang 66 katunggali sa Miss International mula sa iba’t ibang lugar.

Sinasabing humanga ang mga judge sa naging sagot ni Bea Rose mula sa katanungang “What I will do if I am crowned Miss International.”

Binigyan sila ng 30 segundo para masagot ito.

At ang sagot ni Ms. Bea Rose, “The whole world saw how my country suffered,” Santiago said, referring to the devastation caused by super typhoon “Yolanda” in parts of central Philippines. “One by one, other countries helped. I would like to thank who helped my country in our darkest hours. You have opened my heart and eyes on what we can do to help each other.

“If I become Miss International, I would uphold international camaraderie. I will work to sustain the spirit of sympathy and spirit of hope. As long as we work together, there is hope.”

Bago ang timpalak pagandahan, iginiit ni Bea Rose na iniaalay niya naturang kompetisyon sa mga survivor ng Yolanda.  “I’m dedicating my pageant for the Haiyan or Yolanda victims. I’m not going there just as Bea Santiago, but as Miss Philippines. If I win or if I make it, that would bring happiness to them and make them proud.”

Nasungkit naman ni Miss Netherlands Nathelie Den Dekker ang crown bilang first runner-up, samantalang si Miss New Zealand Casey Radley ang second runner-up, at sina Miss Colombia Lorena Hermida at Miss Hungary Brigitta Otvos ay nakasama sa Top 5.

Bale ito ang ikalimang pagkakataong nasungkit ng Pilipinas ang Miss International title. Nanuna nang itinanghal na Miss International sina Precious Lara Quigaman (2005), Melanie Marquez (1979), Aurora Pijuan (1970) , at Gemma Cruz-Araneta (1964).

Nakapasok naman sa Top 15 ang mga bansang Gibraltar, Brazil, Puerto Rico, Ecuador, United States, Lithuania, Iceland, Russia, Thailand, at Spain.

Sa kabuua, nakatatlong korona na ang Pilipinas sa mga timpalak pagandahan. Naunang nakuha ni Mutya Johanna Datul ang Miss Supranational 2013 noong Setyembre na sinundan ni  Megan Young bilang Miss World 2013 noon ding Setyembre.               (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *