MAGSASAMA-SAMA ang mga kilala at iginagalang na musikero ng bansa sa Disyembre 14, Sabado, para sa walang humpay na awitan at tugtugan na laan para sa mga biktima at nasalanta ng bagyong Yolanda. Ang konsiyerto ay may titulong Bagong Umaga, Bagon Pag-asa na gaganapin sa Pagcor Theater, Casino Filipino,Paranaque (opposite NAIA Terminal 1), 7:00 p.m.
Ang Bagong Umaga, Bagong Pag-asa ay isang fundraising concert para makalikom ng pondo at donasyon na ibibigay sa representative ng Philippine National Red Cross (PNRC) na iimbitahan din sa gabi ng konsiyerto. Sina Ms. Francine Prieto at Mr. Bob ‘Blues’ Magoo ang magsisilbing emcee sa gabing iyon. Pangungunahan naman ni Faith Cuneta ang pagbibigay ng magagandang awitin kasama rin sina Pop Rock Prince Mark Mabasa; Arthur “The Crooner” Mauntag; Classic Diva Fame Flores; Marc ‘Ordinary Song’ Velasco; Jodgrad Dela Torre; Romy Jorolan; Henry Katindig, at Jeannie Tiongco.Kasama rin ang legendary band ng Toto Ealdama and the Moonstrucks; Darius Razon; Edgar Opida; Bobby Mondejar and Friends; Albert Depano; Jesse ‘Banyuhay’ Bartolome; Atty. Bong Baybay; Gabby Cristobal; Aurora Beng Karganilla;The Rhythm of 3; Francis Bax; Gene Lucena; Leonard de Leos; Roy Zulueta; Carlo Magno; Lander Blanza; at ang Nortstar Band; Bong Jadloc; Karaoke World Champions JV Decena at Lilibeth Garcia; Pilipinas Got Talent Finalist Lucky Robles, World Competition of Performing Arts (WCOPA) Champions Marielle Mamaclay; Lady Onnaga; Joshua Marquina, at marami pang iba.Ang tiket ay nagkakahalaga lamang ng P500. Kaya nood na mga kapatid.
https://www.facebook.com/events/636237956418908/?ref=22