ANG best element para sa money area bathroom ay Wood, kasunod ng Earth, upang magkapagdala ng magkaparehong elemento sa decorating efforts at dapat na mariin ang focus sa Wood.
Ang masigla at maberdeng Wood element ang ultimong simbolo ng kasaganaan, at ang Earth element ay sumusuporta sa Wood sa paglago nito. Ang Water ay sumusuporta rin sa Wood, ngunit dahil mayroon nang maraming water energy sa banyo, mainam na huwag nang maglagay ng marami nito.
*Wood element décor. Ang kulay na green at brown ay parehong ekspresyon ng Wood element, gayundin ang rectangular shapes at posibleng mga imahe ng greenery – ito man ay wild woods, manicured parks o magandang house plants. Maaari ring maglagay ng actual plant sa money area bathroom, tiyakin lamang na ito ay lalago sa bathroom lighting conditions. Ang feng shui lucky bamboo ay mainam.
*Earth element décor. Ang earth element ay ini-express sa lahat ng earthy/sandy colors, at square shapes gayundin siyempre, sa mga imahe ng natural landscapes. Ang Earth ay mainit, mapag-aruga at matatag, kaya maaari kang mag-focus sa inyong sariling pang-unawa sa enerhiyang ito at i-express ito sa inyong bathroom décor.
Lady Choi