Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Big Chill hahataw ng ika-5 panalo (Kontra Accelero)

HAHATAW ng ikalimang sunod na panalo ang Big Chill kontra nangungulelat na Derulo Accelero sa 2013-14 PBA D-League Aspirants Cup mamayang 2 pm sa Ynares Arena sa Pasig City.

Pinapaboran din ang nagtatanggol na kampeong NLEX at Jumbo Plastic kontra sa magkahiwalay na kalaban. Makakaduwelo ng Road Warriors ang National University-Banco de Oro sa ganap na 4 pm. Magtutunggali naman ang Giants at Arellano University/Air 21 sa ganap na 12 ng tanghali.

Ang Superchargers ay namamayagpag at may apat na sunod na panalo.

Subalit sa kanilang huling laro ay dumaan sila sa butas ng karayom bago nalusutan ang Cebuana Lhuillier, 81-78.

Ayon kay coach Robert Sison ay hindi nila puwedeng biruin ang Derulo Accelero kahit pa wala itong panalo sa limang games.

Ang Derulo Accelero ay hawak ni coach Paolo Mendoza at binubuo ng core ng University of the Philppines Fighting Maroons.

Sinimulan ng Road Warriors ang pagdepensa sa korona noong Lunes nang tambakan nila ang Arellano/Air 21, 93-60.

Ang NLEX ay binubuo naman ng core ng San Beda Red Lions na nagkampeon sa NCAA. Kabilang sa mainstays ng koponan sina Olaide Adeogun, Art dela Cruz, Baser Amer, Rome dela Rosa at Kyle Pascual.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …