ANG 26th State Colleges and Universities Athletic Association (SCUAA)-National Capital Region Games for 2013 na tinampukang “SCUAA NCR FOR A CAUSE” ay tutulak ang opening program sa November 26 sa Quirino Grandstand, Luneta, Manila sa ganap na 3pm. Guest of honor si Senator Pia Cayetano.
Ilan sa events ng athletic meet ng state universities at colleges sa National Capital Region ay dedicated sa mga nabiktima ng typhoon Yolanda at killer earthquake na tumama sa province ng Bohol. Ilan sa events sa SCUAA-NCR na isasagawa para makatulong sa paglikom ng pondo na tutulong sa mga nabiktima sa bagyo at ng lindol ay ang “SCUAA NCR RUN FOR A CAUSE” sa December 15 at “Search for a Cause” na Search for Mr and Ms SCUAA sa December 2.
Ang slogan sa taong ito ay ang “Moving Ahead Towards Sports Excellence” kung saan gaganapin ang laro sa December 2 hanggang 6, 2013 ayon kay PhilSCA Asst. Prof. Gigi A. Manaog, Chairman of the Board ng Sports Management ng 26th SCUAA-NCR Games.
Bukod sa PhilSCA, ang iba pang participating colleges at universities ay ang Rizal Technological University (RTU), Polytechnic University of the Philippines (PUP), Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (Earist), Technological University of the Philippines (TUP), Philippine Normal College (PNC), at Marikina Polytechnic College (MPC). Ayon kay Dr. Ramirez may 22 sports events ang paglalabanan.
(Lovely Icao)