Aries (April 18-May 13) Sinisikap mong protektahan ang isang bahagi ng iyong sarili mula sa iba.
Taurus (May 13-June 21) Bagama’t iniisip ng ibang tao na ikaw ay kakaiba, hanga naman sila sa iyong mga desisyon.
Gemini (June 21-July 20) Maaaring ang iyong isip ay nasa ibang dimension at hindi pinapansin ano man ang nangyayari sa paligid.
Cancer (July 20-Aug. 10) Maging bahagi ng solusyon imbes ng problema sa pamamagitan ng pag-aayos ng sarili.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Huwag pagogoyo sa mga taong nagpapakita ng kabaitan ngunit ikaw ay sinisiraan kapag nakatalikod ka na.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Ikaw ay nagiging depensibo kapag binibira ng iba maging ang inyong pamilya.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Bago maging masyadong emosyonal sa ano mang sitwasyon, gumamit ng logic at cold, hard facts para maidepensa ang iyong posisyon.
Scorpio (Nov. 23-29) Taglay mo ang tibay at enerhiya para mapalakas ang iyong pagsusumikap.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Halos abot mo na ang finish line. Huwag susuko.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Mainam ang sandaling ito sa pagdedesisyon kaugnay sa emotional freedom.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Kailangan mong maramdaman ang suporta maging mula sa hindi inaasahang mga tao.
Pisces (March 11-April 18) Maaaring mahirapan ang sino man na makuha ang iyong atensyon ngayon.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Maging magalang sa iba upang ikaw ay igalang din nila.
Lady Dee