Aries (April 18-May 13) Maaaring may mabuong love relationship, posibleng sa katulad mo ring malikhain.
Taurus (May 13-June 21) Ilang bisita ang darating sa inyong bahay, maaaring magkapareha o isang bata.
Gemini (June 21-July 20) Isang tawag mula sa matalik na kaibigan o love partner ang may magandang balita.
Cancer (July 20-Aug. 10) Sisigla ang iyong araw sa matatanggap na magandang balita ngayon.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Maaaring ito ang magiging pinakamasaya mong araw kasama ng partner.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Posibleng may matanggap na hindi inaasahang malaking pera. Maaaring bayad sa pagkakautang sa iyo.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Lalong iinit ang love and romance dahil sa ipakikitang pagmamahal ng love partner.
Scorpio (Nov. 23-29) Isang tao ang posibleng mabighani sa iyo ngunit hindi mo naman siya type.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Posibleng mabighani ka sa isang tao mula sa malayong lugar, maaaring sa ibang bansa.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Sa hindi inaasahang pangyayari, matutuon sa iyo ang mata ng publiko, at hindi ka magiging komportable rito.
Aquarius (Feb. 16-March 11) May magaganap na kasalan, posibleng ikakasal ka sa taong malapit sa iyo.
Pisces (March 11-April 18) Maaaring magsagawa ka ng volunteer work kasama ang taong hinahangaan mo.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Pansamantalang hindi makikita ang iyong love partner dahil sa mahalagang bagay.
Lady Dee