AS usual, bumaha na naman ng flying voters at sandamakmak ang vote buying sa ginanap na barangay elections kahapon.
Lalo na sa Maynila, sa Tondo kitang-kita ang hakutan ng mga aswang na botante.
Maraming botante rin ang hindi nakaboto dahil hinaharang umano sila ng mga tauhan ng kandidatong hindi nila iboboto.
Nagtataka tayo kung saan pa kumukuha ng ‘FLYING VOTERS’ ang ilang kandidato.
Pero natuklasan natin kahapon na karamihan pala sa ‘FLYING VOTERS’ ay ‘yung RELOCATEES na na-DEMOLISHED sa depressed areas at dinala sa mga relocation areas.
Dahil hindi pa sila nairerehistro sa bagong lugar nila, sila ay hinahakot ng mga politiko para gamiting ‘flying voters.’
Hindi ba naisip man lang ‘yan ni Commission on Elections (Comelec) Chairman SixTONG este Sixto Brillantes?!
Hindi ba’t malinaw na VOTE BUYING at FLYING VOTERS ‘yang mga ‘yan?!
Mukhang walang alam gawin si Brillantes at ang kanyang spokesman na si Director James Jimenez kundi ang dumakdak lang.
Mukhang tinamad na silang mag-isip kung paano sosolusyonan ang mga problemang ‘yan para IANGAT ang ELECTION PROCESS sa bansa.
Ayon nga kay Comelec Commissioner Guia: “Most of the complaints are related to vote-buying, unlawful electioneering. These are things we will act upon.”
Kelan kaya?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com