Thursday , November 14 2024

Sanggol namatay sa gutom

102713_FRONT

DAGUPAN CITY – Pinaniniwalaan na labis na gutom ang sanhi ng pagkamatay ng tatlong buwan lamang na gulang na sanggol sa Brgy Duplak, sa bayan ng Urbiztondo, lalawigan ng Pangasinan.

Nitong Huwebes ay binawian ng buhay ang bata na itinago sa pangalang Angel dahil sa gutom.

Ayon sa kwento ng ina ng sanggol na si Mrs. De Guzman, naghuhugas siya ng pinggan nang marinig ang pag-iyak ng bata.

Nang kanyang puntahan sa kinahihigaan ay nakita niyang bumaligtad na ang mata ng anak.

Balak pang dalhin ang bata sa pagamutan ngunit hindi na ito naisakatuparan dahil sa kawalan ng pera.

Napag-alaman na walang trabaho ang nanay ng bata habang panggagapas naman ng palay ang hanapbuhay ng padre de pamilya.

Aminado naman ang mag-asawa na posibleng gutom ang sanhi ng kamatayan ng anak dahil hindi sila makabili ng gatas nito bunsod na rin ng nararanasang hirap ng buhay.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *