Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NPD ops chief tepok sa ambush

102713 pnp deadPATAY ang isang opisyal ng PNP na si P/Insp.Romeo Racalde hepe ng Northern Police District  – Special Operation Unit matapos tambangan ng apat na armadong lalaki na sakay ng motorsiklo sa Hazer St., Brgy. Pansol, QC. (ALEX MENDOZA)

DEDBOL ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) makaraang tambangan kamakalawa sa Quezon City.

Kinilala ang biktimang si Chief Insp. Romeo Ricalde, Jr., hepe ng Special Operations Unit ng Northern Police District (NPD).

Base sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang pananambang bandang 11 p.m. sa Hazer St., Brgy. Pansol,sa nabanggit na lungsod.

Sinasabing sakay ng kanyang SUV (NLI-902) ang biktima at papauwi na sana nang dikitan siya ng motorsiklo at saka paputukan ng ilang ulit.

Ayon sa asawa ng biktima, marami nang natatanggap na death threat ang opisyal bago naganap ang pagpatay.

Masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya upang malaman kung sino ang may pakana sa pagpaslang.

(JETHRO SINOCRUZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …