Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bebot dedbol sa boga ng ka-eyeball (Kelot nakilala sa Facebook)

102613_FRONT

HUSTISYA ang hinihingi ng mga kaanak ng 18-anyos na dalaga matapos barilin ng lalaking ka-eyeball na nakilala lamang sa facebook  sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital (VGH) ang biktimang kinilalang si Cheryll Dacillo, 18-anyos, ng Brgy. Langka, Meycauayan, Bulacan sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na si Cedric Martin, 19-anyos, residente  ng Pangkera St., Brgy. Coloong I ng lungsod na mabilis  tumakas matapos ang pamamaril.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong 4:00 kamakalawa ng hapon sa bahay ng suspek sa nasabing barangay.

Nauna rito, nakilala umano ng biktima sa facebook ang suspek at kamakalawa ng hapon ay nagkasundo ang dalawa na magkita sa bahay ng suspek.

Kasama ang isang kaibigan ay nagtungo si Dacillo sa bahay ni Martin at  doon ay pumasok sila sa kuwarto hanggang isang putok ng baril ang narinig at nakita na lamang na duguan na ang katawan ng dalaga.

Nagawa pang isugod sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na umabot nang buhay habang mabilis na tumakas ang suspek.

ni rommel sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …