MAHIGPIT na tinututulan ng Supreme Court justices ang unilateral order ni Chief Justice Lourdes Sereno kay Justice Secretary Leila De Lima na atasan ang National Bureau of Investigation (NBI) para isailalim sila sa lifestyle check.
Umangal ang Supreme Court justices dahil mali nga naman na ang mag-imbestiga sa kanila ay mga judge mula sa Regional Trial Courts (RTCs).
Hindi sila tutol sa LIFESTYLE CHECK pero ang dapat umano ay bumuo ng isang komite na magla-LIFESTYLE CHECK sa kanila.
Pabor sila sa binuong komite na pamumunuan ni Associate Justice Marvic Leonen at dalawa pang retired Supreme Court justices bilang miyembro.
Ibig sabihin, TAMANG PROSESO ang gusto ng mga Supreme Court juctices.
Pero sa ganang atin, mas dapat UNAHIN imbestigahan o i-LIFESTYLE CHECK ang mga OFFICE OF THE CLERK OF COURT (OCC) dahil d’yan nagaganap ang sandamakmak na ‘AYUSAN’ na kinasasangkutan ng malakihang konsesyon.
‘E rito nga lang daw sa Maynila, ilang clerk of court ang kay gagara ng mga sasakyan o SUV.
D’yan nga raw nagkamal ng sandamakmak na yaman si Ma’am Arlene Angeles Lerma na walang negosyo at isang local employee lang, pero mayroong anak na nagpi-PILOTO sa labas ng bansa habang ang isang anak naman ay pa-YATE-YATE lang at kapag naisipang mag-abroad ay napakabilis nilang gawin.
Tunay na si Ma’am Arlene ay isang NAPOLES sa judiciary habang ka-liga naman ng kanyang anak na si JOSELLE ang anak ni Napoles na si Jeane.
Go Associate Justice LEONEN!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com