Aries (April 18-May 13) Hindi ito ang tamang sandali para sa bagong mga plano o proyekto. Maging ang petsa ay dapat na baguhin kung posible.
Taurus (May 13-June 21) Maaaring hindi mo nais na sumandal sa balikat ng iba ngunit tiyakin mong maipagtatapat mo ang iyong problema kahit sa isang kaibigan o kasama.
Gemini (June 21-July 20) Maaaring nagkamali ka ng inakala sa isang bagay na mistulang big deal ngunit hindi naman pala.
Cancer (July 20-Aug. 10) Maaaring hindi mo maituon ang iyong focus kaya makabubuting magkape muna ano man ang iyong ginagawa.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Mainam ang sandali ngayon sa pagtitiwala sa iyong instincts – ngunit huwag kalimutang suriin din ang facts.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Kailangan nang higit na atensyon sa iyong relasyon, kaya ibigay mo ito.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Marami kang dapat tapusin kaya naman ay lagare ka ngayon.
Scorpio (Nov. 23-29) Dumadaloy ang iyong creative juices, tiyaking magagamit mo ito.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Hindi ito ang tamang sandali sa paglulunsad ng bagong proyekto o pagbubuo ng grupo. Pag-aralan itong mabuti.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Bibigyan mo sila ng magandang laban, ilalabas mo ang hindi nila inaasahang mga estratehiya.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Magigipit ka sa linggong ito dahil sa hindi inaasahang pagkakagastusan. Maaaring lumapit ka sa kapatid para mangutang.
Pisces (March 11-April 18) Naka-focus ka sa iyong sarili ngayon, na dapat lamang. Napapanatili mo ang iyong kompyansa.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Ilang malapit sa iyo ang hanga sa iyong kompyansa. Tiyaking makita nila ang positive side nito.
Lady Dee