PLANTSADONG-PLANTSADO na pala ang intelihensiya ng JUETENG ni Tony Bulok Santos d’yan sa Quezon City at Caloocan City.
No wonder kung bakit PAYAPANG-PAYAPA ang jueteng operations ni Tony Bulok Santos sa dalawang malalaking lungsod sa Metro Manila.
Kung pagbabatayan umano ang listahang ipinapasa ng mga ‘PAGADOR’ sa kahera ni Tony Bulok Santos, ang napupunta raw sa district director at sa kanyang mga staff ay hindi kukulangin sa P160k at sa nagpapakilalang ‘papa mayor’ ay P75k kada linggo.
Habang ang mga chief of police (COP) ay depende sa ‘size’ ng area of responsibility (AOR). Kapag malaki ay P15k at kapag maliit ay P10k kada linggo.
Ang city hall detachment umano ay P60k.
Sa Caloocan City (Kankaloo) naman ni Yorme Oca Malapitan, ang chief of police ay P60k daw kada linggo.
Ang Office of the mayor ay P80k at bawat block ay P1k?!
Sa Malabon ay P50K raw ang parating sa Mayor’s office at sa COP ay P45k naman. Sa Valenzuela ay P75k ang parating sa Mayor’s office at sa COP ay P50k. Sa Navotas ay stop raw muna.
(Ows totoo ba ‘yan?)
No wonder kung bakit napakatahimik at tila swabeng-swabe lang ang OPERASYON ng TENGWE ni Tony Bulok sa Santos sa KYUSI, sa KANKALOO, MALABAON at VALENZUELA.
QCPD Director, Gen. Richard Albano Sir, malaki ba talaga ang weekly parating sa opisina mo ng jueteng ni Tony Bulok Santos? Nakararating nga ba sa iyo?!
Nagmano na ba sina TEPANG, PINING, NESTOR at MANDO KALBO sa inyo?
‘E how about the ‘papa mayor’s office?
Pasok na pasok ba?
Paki-CHECK n’yo lang po at baka puro BUKOL na kayo!
By the way, NCRPO chief, Gen. Marcelo Garbo, Jr., hindi ba’t mahigpit ang UTOS mo na sibakin ang mga police commander sa mga ‘AREA’ na talamak ang ‘ILLEGAL GAMBLING.’
Gen. Garbo, papayag ka bang binabalewala lang ang ONE STRIKE POLICY mo?!
Kailan mo ‘SISIBAKIN’ ang mga POLICE OFFICIAL na HAPING-HAPI kay TONY BULOK SANTOS?
Mukhang ‘WALANG PANGIL’ ang ONE STRIKE POLICY mo, GEN. GARBO, Sir!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com