Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

One Run, One Philippines, dinagsa (88,190 Pinoy sa ‘Pinas at US nagka-isa para sa kalikasan)

100813 anne

100813 bistek news anchor

PAREHONG dinagsa ng publiko ang dalawang araw na selebrasyon ng ABS-CBN na The Grand Kapamilya Weekend para sa kanilang ika-60 taong anibersaryo.

Matagumpay ang mga programang inihanda ng Kapamilya Network lalo na ang One Run, One Philippines: Isang Bayan para sa Kalikasan dahil pawang mga sikat na celebrities ng ABS-CBN  nakiisa kasama ang mahigit sa 88,190 katao sa ang eco-run na sabayang ginanap sa Quezon City, Bacolod, Cebu, Davao, at Los Angeles (US) noong Linggo (Oktubre 6).

Tumakbo sina Anne Curtis, Kim Chiu, at Xian Lim sa Quezon City leg nito o ang 10.06-13 Run for the Pasig River, kasama ang alkalde ng Quezon City na si Mayor Herbert Bautista at mga mamamahayag na sina Noli de Castro at Korina Sanchez.

Nag-host din sina Kim at Xian sa post-race program upang magbigay-saya sa mga tumakbo kasama ang 6 Cyclemind, Itchyworms, at Rivermaya gayundin sina Mitoy Yonting, Klarisse de Guzman, at Myk Perez ng The Voice of the Philippines na nagsagawa ng mini concert sa Quezon Memorial Circle.

Hindi rin nagpahuli sina Joem Bascon at Paul Jake Castillo sa Bacolod leg; si Jayson Abalos sa Cebu leg; at sina Maja Salvador at Aaron Villaflor sa Davao leg.

Si Jake Cuenca naman ang kumatawan sa Los Angeles leg na may daan-daang mananakbo na ginanap sa Burbank, California. Nagpakita rin ng suporta ang alkalde ng Burbank na si Emily Luddy na nakiisa rin sa event.

Muling ikinampanya ng Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig ng ABS-CBN Foundation ang mas malinis na Ilog Pasig at mga estero nito sa  10.06.13 Run for the Pasig River na dinagsa ng 79,000 kalahok. Sa Bacolod leg naman ay nakilahok ang 2,960 katao para suportahan ang mangrove at livelihood projects sa Punta Taytay, Sum-ag River rehabilitation, at ecotourism projects sa Bacolod City Water District Campuestuhan Watershed. May 3,500 mananakbo naman ang Cebu leg na tutulong sa coastal conservation ng Daan Paz, habang tinatayang 3,000 naman ang tumakbo sa Davao para pondohan ang ecotourism projects ng Marilog Tourist Center. Gagamitin naman sa Green Initiative ng Bantay Kalikasan ang pondong nakalap sa Los Angeles leg.

Layunin ng One Run, One Philippines: Isang Bayan para sa Kalikasan na protektahan ang kalikasan sa pamamagitan ng pagsulong sa iba’t ibang makubuluhang proyekto. Parte rin ito ng engrandeng two-day event ng ABS-CBN na Kwento ng Kasiyahan: The Grand Kapamilya Weekend na ipinagdiwang ang ika-60 anibersaryo ng Philippine television.
Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …