Aries (April 18-May 13) Maaaring mapikon ka sa komento ng ibang tao. Posibleng gantihan mo sila.
Taurus (May 13-June 21) Marami kang magagandang ideya ngunit nahihirapan kang piliin sa mga ito ang nais mong ipatupad.
Gemini (June 21-July 20) Maaaring maging malambot ang iyong puso ngayon at madaling masasaktan.
Cancer (July 20-Aug. 10) Mahahawi na ang ulap at muli mong makikita nang maliwanag ang kinabukasan.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Ang iyong pagiging malikhain ay malakas ngayon. Marami kang magagawa.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Magsusumikap kang ibangon ang buong istruktura nang mag-isa lamang. Ngunit bakit ka magpapakahirap kung mayroon namang handang tumulong?
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Huwag matatakot na magsagawa ng aksyon upang maipabatid ang iyong nais maiparating.
Scorpio (Nov. 23-29) Huwag pipigilan ang sarili sa mga nais gawin. Bigyan ang sarili ng laya katulad ng ibon.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Maaaring itinatanong mo “Bakit ako?” Ngunit itanong mo ba sa iyong sarili kung bakit sila ang dapat?
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Hugutin mo ang lakas mula sa iyong sarili. May taglay kang lakas para isulong ang iyong mithiin.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Sa simula, iniisip mong minamaliit ng isang tao ang iyong kakayahan, ngunit kalaunan mauunawaan mo na may maitutulong siya sa iyo.
Pisces (March 11-April 18) Hindi ito ang tamang sandali para umasa sa iba na ikaw ay tulungan. Magsumikap para sa iyong sarili.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) May taglay na tapang ang iyong puso na handang makipagsapalaran sa ano mang bagay.
Lady Dee