Friday , January 10 2025

Talamak na kolektong sa AOR ng MPD Dagupan PCP

00 Bulabugin JSY
MISTULANG isang kanta na ‘TULOY PA RIN’ ang ligaya ng mga pulis sa Manila Police District DAGUPAN PCP.

Tuloy pa rin ang ‘KANTA’ ng mga pobreng vendors na desmayadong itinutuga ang patuloy na KOLEKTONG ng isang alias TATA BUNSO.

Dating bagman ng sinibak na si Major BAGSIK, hepe ng naturang PCP.

Na pinalitan  naman ngayon ng isang Punyente ‘este’ Tinyente Dino. Akala ng mga vendor ay magbabago at matitigil na ang pahirap sa kanila sa Dagupan pero mas malala raw ang naging kotongan ng mga tauhan ni Tinyente Dino sa pangunguna ng isang Sarhentong ‘este’ Sarhento Del Pedro.

Kaya naman mas umalagwa nang husto ang tarantadong si TATA BUNSO sa kolekTONG dahil may basbas umano ni Tinyente Dino at Sarhento Pedro!?

Isang alias MINDA TOMBOY ang ginagamit rin ni TATANGNA BUNSO sa kolektong sa Juan Luna St., at siyang ‘tagagupit’ bago i-entrega kay Tinyente Dino.

MPD PS-2 chief P/Supt. JACKSON TULIAO, napapartehan ka ba ng mga kolektong d’yan sa Dagupan – PCP o baka naman nabubukulan ka na!?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.7630 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *