Friday , January 3 2025

Gomez, Frayna matatag pa rin

Bagama’t tabla si Grandmaster John Paul Gomez kay US based GM Rogelio “Banjo” Barcenilla sa 30 moves ng Scotch defense sapat iyon  para mahawakan ang pangkahalatang liderato sa ninth round ng 2013 Battle of the Grandmaster Chess Championships Biyernes ng gabi sa Philippine Sports Commission Conference Room, Administration Bldg., Vito Cruz, Manila.

Tangan ni Gomez ang 24.0 points.

“The event is using the Torre-Pichay scoring system, a method formulated by Torre and National Chess Federation of the Philippines (NCFP) president/chairman Prospero “Butch” Pichay, Jr. where a win is equivalent to three points, a draw is 1.5 points, a loss is zero, and a stalemate is 2.0 for the last player to make a move and 1.0 to the player who can no longer make a move,” sabi ng organizing National Chess Federation of the Philippines.

Panalo si GM Oliver Barbosa kay National Master Narquinden Reyes tungo sa solo second place na may 19.5 points.

Tabla si GM Rogelio “Joey” Antonio Jr. kay Fide Master Roderick Nava tungo sa 3rd place position na may 18.0 points.

Natalo si International Master Joel Pimentel kay defending champion GM Mark Paragua para mapako sa 15.0 points. Naipon ni Paragua ang 14.0 points.

Naitala naman ni GM Eugene Torre ang unang panalo kay FM Jony Habla matapos ang 8th straight draws.

Si NCFP  executive director  GM  Jayson  Gonzales  ang   tournament director, habang si IA  Gene Poliarco ang chief arbiter.-Lovely Icao-

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *