Nasunog ang bahagi ng tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros, Maynila, kahapon.
Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) Manila Senior Fire Officer 4 Neni Santos, nasunog ang bahagi ng ikalimang palapag ng Palacio del Gobernador sa Maynila bandang 12:13 ng tanghali.
Mabilis naapula ang apoy alas 12:20 nang agad makaresponde ang mga bombero.
Wala pang pagtaya sa halaga ng pinsala ng sunog at kung ano ang sanhi nito.