Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ynna, hindi raw siya niligawan ni Derek

NAGKA-PUYATAN kami ni Ynna Asistio sa tsikahan sa Facebook sa pag-uusisa ko sa kanya tungkol sa pagkakadawit ng pangalan niya ngayon sa hiwalayang Derek Ramsay at Cristine Reyes. At siya nga ang itinuturong umano’y dahilan sa pinaglalaruan ng mga mirong whirlwind romance ng dalawa.

Sa nagparating ng nasabing balita, ang pagkaka-kuwento kasi eh, nakita sina Ynna at Derek in a shopping mall (Robinson’s ba ito?) na magkasama.

So, narito ang mga sagot sa amin ni Ynna sa aming pagpupuyat sa kung anik-anik na mga kuwentuhan.

“Hi po…

“Sorry now ko lang po nakita… Uhm.. Totoo po un tita pilar pero that was 2 months ago.. Mga August…. Di kme nagkatrbaho nagkakilala lang then naghangout..

“Di kme nagdate na as in kme talagng group of friends kme lumalabas…

“Di na kme nagkkta the last time we saw each other was August mga weeks before naging sila ni Aa.”

So, are you saying na up to now eh, may communications pa rin kayo ni Derek?

“aging regular communication namin naging close siya not only saakin pati sa pamilya ko… But it never came to a point na sinabi nya o nagkaroon ng ligawan mas nagbuo ng friendship kesa relationship kasi talagang barakda ung pagkakakilala namin pareho sa isat isa dahil naging grupo kme nung time na un halos kahihiwalay lang po namin ni mark.”

Matagal na pala ang sinasabing pagkakita sa inyo sa nasabing mall?

“Yes i was able to talk to him nagsosorry sya sa pagkadrag ng pangalan ko sa issue.. Pero we dont talk na not like 3 or 2 months ago po.. Kanina k lang sya nakausap uli. Yup nung nakita kme s robinsons that was august pa po.”

The last time you saw each other?

“The last time I saw him was August 12. ahahah!”

Anything more you want to clear?

“I want to clear na aa and I have been friends for so long.. And I met Derek few months ago… So theyre both good friends of mine I dont want to get involve in any of their issues and most especially their breakup and di kami umabot ni Derek sa ligawan dahil naging pamilya turing niya saakin pati na din sa mga kapatid lola nanay at tita ko.. but we dont get to talk anymore.. Not like before… Kung usap man kamustahan lang..

“And i want to clarify that Derek never courted me..and tita i just came from a 5 year relationship and im happy that me and mark are good friends now.. i dont want to rush things lalo na with the career and OPPORTUNITY THAT ABS IS GIVING ME.”

Ayun naman pala. So dapat pala, ‘yung nakakita sa kanila noon sa nasabing mall na malamang may picture pa, dapat na isama na lang sa #Throwback Thursday o kaya eh, #Flashback Friday ang mga eksenang nakita o nakunan niya!

Jonalyn, sa kanyang pangarap na maging isang Korina Sanchez

IN celebration of ABS-CBN’s 60 years, ang kuwento ng kasiyahang ihahatid ng MMK (Maalaala Mo Kaya) sa Sabado, October 5 eh, may kinalaman sa kuwento ng buhay niJonalyn Joan’ Panopio na nangarap maging Korina Sanchez ng TV Patrol Southern Tagalog.

Si Yen Santos ang idinirehe ni Nick Olanka mula sa iskrip ni Joan Habana at saliksik ni Akeem Jordan del Rosario para sa nasabing episode na makakasama rin sina RJ Ledesma, Nonie Buencamino, Jobelle Salvador, Kiko Estrada, at Alyanna Angeles.

Tunghayan ang journey ng isang broadcaster sa ups and downs ng kanyang buhay!

Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …