Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toni at Charlene, tsinugi na sa The Buzz (Kailangan daw ire-format kaya ipinalit sina Carmina at Janice)

NOONG nakaraang Sabado ay biglang inanunsiyo na last episode na pala ng Showbiz Inside Report o SIR at una raw kinausap ang hosts na sina Joey Marquez, Carmina Villaroel, Ogie Diaz, at Janice de Belen bago ang mga staff.

Kaya biglang nangarag ang mga staff dahil wala naman daw binanggit sa kanila sa nakaraang production meeting, ”bulagaan na lang” say sa amin.

Itong susunod na Linggo ay ang The Buzz naman ang magre-reformat dahil tsugi na sina Toni Gonzaga at Charlene Gonzales at kapalit sina Carmina Villaroel at Janice de Belen.

Ang katwiran ng bossing sa amin, ”kailangan ng mag-reformat, matagal na rin, eh.”

Nabulaga rin tiyak sina nina Toni at Charlene dahil kausap pa namin si Mommy Elvie Gonzales noong Miyerkoles ng gabi kung posible bang umapir ang anak sa ibang TV network at nabanggit na may kontrata nga sila sa ABS-CBN.

Kaya naman kahapon habang tinitipa namin ang balitang ito ay sinubukan naming i-text si Mommy Elvie tungkol sa kung ano ang kapalit na show ni Charlene, ” I don’t know yet, Reg,” maigsing sagot sa amin na halatang problemado.

Tinanong din namin kung kailan mag-e-expire ang kontrata ni Charlene sa ABS-CBN,”sorry, confidential,” tipid nitong sabi.

Halatang may pinagdaraanan si Mommy Elvie na manager din ni Charlene dahil sa sobrang tipid ng mga sagot nito dahil kapag masaya siya ay nakikipag-tsikahan pa sa amin at nangungumusta sa mga alaga naming aso dahil pareho kaming mahilig sa aso.  (sa kanya galing sina Mocha (poodle) at Mudra (shitzu).

Samantala, tila hindi naman apektado si Toni kung mawawala siya sa The Buzz dahil magkakaroon siya ng sitcom kasama si John Lloyd Cruz kaya’t pansamantala muna siyang magbabakasyon.

Sabagay, katatapos lang naman ng The Voice of the Philippines, ‘di ba Ateng Maricris?(At malapit na rin naman ang PBB—ED)

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …