MAY nasagap akong info na pinag-uusapan daw sa Korean community ang isang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na ‘kumita’ sa hinuling Korean fugitive na si KANG SHIN YOUNG!
Ayon sa aking source, binigyan daw ng tumataginting na US$30,000 budget ang nasabing B.I. official sa pagpapahuli at express-deportation sa Korean fugitive!
Si Kang ay hinuli ng mga BI-Intel operatives sa kanyang condominium sa Greenhills dahil sa kasong fraud at estafa sa kanyang kapwa Koreano sa Korea.
Wala naman problema kung pasukahin ng malaking halaga ng salapi si Kang dahil luko-luko naman ang kamoteng ‘yan.
Pero sa panahong ito na pilit ipinatutupad ni Pangulong PNOY ang Daang Matuwid ‘e may nakalulusot pa ring gumagawa ng baluktot sa BI.
Bakit daw minadaling ipa-DEPORT si Kang gayong may pending Motion for Reconsideration sa korte mula sa kanyang abogado?
Unlike sa kaso ng 14 na Taiwanese na nahuli dahil sa Cyber-crime ay isinalya kaagad sa BI Bicutan detention cell.
Pero sa kaso ni Kang ay halata raw na fast-break ang pagpapa-deport!?
Amoy malansang isda ‘di po ba?
Bali-balitang malakas daw kay BI-OIC Fred Mison ang opisyal na kumita ng US$30K? Si Mr. ‘five’ kaya?
DoJ Sec. Leila de Lima, paimbestigahan mo kaya ang kasong ‘yan.
Aabangan po natin ‘yan!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com