DAHIL sa ipinasang mga DOKUMENTO (election expenditures) sa Commission on elections (Comelec) na-SWAK si Laguna Gov. ER Ejercito.
Nakaamba ngayon ang disqualification sa kanya dahil sa LABIS na PAGGASTA nitong nakaraang May 13 (2013) elections.
Pero pakonswelo (de bobo) ni Kumolek ‘este’ Comelec Chairman SixTONG ‘este’ Sixto Brillantes, Jr., pwede pa naman daw siya maghain ng motion for reconsideration (MR).
Anyway, bukod sa opisyal na ulat na P2,968,600 ang personal fund na nagasta niya nitong nakaraang eleksiyon, mayroon pang dokumento (advertising contract) sa ABS CBN pa lang na gumastos si Gov. ER ng P6 milyones.
Pero sa batas, si Gov. ER ay pinapayagan lamang gumastos ng P3 kada isang botante o P4.5 milyon para sa 1,525,522 kabuuang botante sa lalawigan ng Laguna.
Tsk tsk tsk …
Paano ngayon ipaliliwanag ni Gov. ER ‘yan?!
Ang tanong lang natin sa COMELEC, si Gov. ER lang ba ang sasampolan nila?!
Paano na ‘yung iba pa na labis-labis ang ginastos?!
Huwag mo nang gawing INSTALLMENT ulit ang announcement mo Chairman, baka matsismis na naman kayong nagpapaareglo!?
Puruhan mo na ang dapat puruhan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com