Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mitoy, binatikos sa pagkapanalo sa The Voice PH (The Noise of the Philippines daw…)

UMANI ng batikos ang kauna-unahang nanalo sa Voice of the Philippines na si Mitoy Yonting.

“Sino kaya sa atin ang proud na si Mitoy ay the VOICE representing the Philippines in the WORLD? Pinoy puro sigaw lang sa pagkanta.”

“Yah. Klarisse ako. Ayoko kay mitoy. Sigaw kang ng sigaw ang panget ng boses.. binasi lang nila sa text votes.”

“Ang boses ni mitoy ang sakit sa tenga..kakairita lol..bitter talaga ako sa result.”

“Puro nmn pasigaw at iisa lang ang tembre ng kanta nya dapat sa iba na lang.”

“The Noise Of The Philippines.”

‘Yan ang mga nakalolokang reaction ng mga nanood sa finale ng TVOTP.

Pero mayroong comment na talagang nagpa-isip sa amin, ang ”Oh my gulay! Ano’ng gnagawa ng ABS-CBN sa text votes?! Negosyo ang peg.. Back to zero nnmn ang text votes at walang katapusan na botohan nnmn?!”

Oo nga, ‘no.

Kahit kami ay hindi namin matanggap na si Mitoy ang nanalo over Klarisse.

Until one guy commented,  ”Well to be fair, continuous ang tradition ng ABS-CBN talent searches… kulang sa visual appeal ang nananalo.”

We can only agree. In the past nga naman ay mga simple personalities ang nagwawagi sa singing contests ng ABS-CBN like Maasinhon Trio, Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy and now, si Mitoy nga.

Shaina, bagong inspirasyon ni Coco

MAYROON na raw source of inspiration itong si Coco Martin.

Tama ba ang narinig naming si Shaina Magdayao ang nagpapasaya ng mga araw ni Coco ngayon?

A source told us na during taping for Juan dela Cruz ay super asikaso ni Coco ang younger sister niVina Morales.

Kapag break time na raw ay ipinatatawag ni Coco ang kanyang alalay para bigyan ng pera para pambili ng food ni Shaina.

Yes, may regular supply daw ng pagkain itong si Shaina mula kay Coco.

How generous naman ng binata, ‘no?

Tama ba ang sabi sa aming P2,000 to P3,000 ang perang ibinibigay ni Coco sa kanyang alalay para pambili ng pagkain ni Shaina?

Anyway, single naman pareho ang dalawa kaya wala namang problema.

Kaya lang, nagtapos na ang taping ng Juan dela Cruz last Monday kaya hindi namin alam kung patuloy pa rin sa panunuyo si Coco kay Shaina.

Aktor, 13 na ang sasakyan dahil sa sobrang sinop

Still on the Kapamilya actor, naloka kami nang malaman naming bukod sa multi-million peso na bahay na kanyang ipinatatayo ay nakaipon na rin pala ng maraming sasakyan itong si Coco.

We were told na he now owns 13 cars. Yes, you read it right, 13. Mayroon pa nga raw siyang BMW motorcycle.

Masinop daw sa pera si Coco kaya marami siyang naipundar.

Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …