Aries (April 18-May 13) Maaaring maging mahirap ngayon ang komunikasyon sa mga miyembro ng pamilya.
Taurus (May 13-June 21) Mayroong magandang balitang nilalaman ang sulat o phone call o pagbisita ng isang kaibigan.
Gemini (June 21-July 20) Bunsod ng magandang balita kaugnay sa pera, plano mong pagandahin ang inyong bahay.
Cancer (July 20-Aug. 10) Magiging masaya ka sa biglang pagdalaw ng kaibigan o kamag-anak.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Pasirit ang iyong imahinasyon ngayon. Maaaring subukan mo ang artistic project.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Masosopresa ka sa matatanggap na imbitasyon kaugnay sa isang pagtitipon.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Maaaring may maganap na hindi pagkakaunawaan sa tahanan.
Scorpio (Nov. 23-29) Sa dadaluhang pagtitipon, makasasalamuha mo ang mga taong hindi mo akalaing makikilala mo.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Sa pag-oobserba, mababatid mo ang tunay na motibo ng mga tao sa iyong paligid.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Maaaring maging emosyonal ka ngayon lalo kung tungkol sa pamilya.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Lalo pang iinit ang iyong relasyon sa malalapit na kaibigan at mga kaanak.
Pisces (March 11-April 18) Magiging maganda ang isyu sa romansa at pamilya ngayon.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Linawin ang iyong mga sinasabi, maaaring ma-misinterpret ka ng iba.
Lady Dee