Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

NFA Nagbida sa Zambo relief ops (Budget sa anniversary ibinigay sa evacuees)

092713_FRONT

TINIYAK ng National Food Authority (NFA) na sapat ang supply ng pagkain sa Zamboanga city sa kabila ng nagaganap na kaguluhan doon, sa pamamagitan ng aktibong pamamahagi ng bigas sa mga kinauukulang ahensiya at tanggapan ng pamahalaan sa nasabing lungsod.

Dahil sa ginagawa ng NFA ay hindi gaanong nararamdaman ng umaabot sa mahigit 105,000 evacuees ang gutom at sa kabila ng dami nila ay natitiyak ng mga awtoridad na nangangalaga sa kanila na nakakakain sila ng tatlong beses sa maghapon.

Umaabot na sa mahigit 8,500 sako ng bigas ang naipamahagi ng ahensiya simula nang sumiklab ang gulo sa pagitan ng military at mga kasapi ng rebeldeng Moro National Liberation Front (MNLF).

Kabilang sa tumanggap ng mga naipamahaging bigas ng NFA ang Regional Office 9 ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang local government ng Zamboanga city at marami pang ibang ahensiya at tanggapan ng pamahalaan na namamahagi sa naaapektohang mga residente ng lungsod.

Maliban doon ay nagpakalat din ng rolling stores ang NFA sa iba’t ibang lugar para tiyakin na tuloy-tuloy ang supply ng bigas sa lungsod, na mabibili ang bigas sa P27 kada kilo para sa regular milled rice at P32 kada kilo para naman sa well milled rice.

Kaugnay nito, ipinagdiwang ng NFA ang ika-41 anibersaryo sa  makabuluhang paraan sa pamamagitan ng pagbibigay ng budget nila para sa nasabing okasyon sa mga apektadong residente ng Zamboanga city.

“Sa harap ng mga suliraning kinakaharap ng bansa , minabuti namin na gawing makabuluhan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagkakaloob ng aming budget para sa okasyon sa ating mga kababayan sa Zamboanga city,” wika ni NFA Administrator Orlan Calayag.

Maliban sa anniversary budget ay ipinasiya rin ng mahigit 800 empleyado ng ahensiya na ibigay ang bahagi ng kanilang meal allowance na aabot sa P300 kada isa.

Nagtayo rin ang NFA Region 9 ng relief operations center na nangangalap ang mga kawani ng ahensiya ng mga donasyon para ibigay sa mga biktima ng labanan.

Dahil sa ginagawa ng NFA ay nakatanggap ang pamunuan nito ng mga papuri at pasasalamat mula sa iba’t ibang grupong pribado at publiko.

Pinuri rin ni Calayag ang mga tauhan niya sa NFA Region 9 dahil sa ginagawang maayos na trabaho para tiyaking walang patid ang supply ng bigas sa lungsod.

“Sa mga ganitong panahon at sitwasyon nakikita ang dedikasyon at maayos na trabaho ng ating mga empleyado , isa itong patunay na nagagawa natin ang isa sa ating mandato na  tiyakin ang food security at katatagan ng supply ng bigas,” paliwanag ni Calayag.

Ang NFA Zamboanga ay kasalukuyang may stock na bigas na aabot sa 41 araw base na rin sa pang-araw-araw na kunsumo ng mga mamamayan na umaabot sa 6,150 sako kada araw.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …