Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian, may bagong eskandalo

SI Marian Rivera naman daw ang mayroong webcam scandal.

Kumalat sa social media ang photo ng isang babaeng may kausap sa webcam na kamukha ni Marian. Pero wala namang mahalay sa photo. Sexy lang ang outfit ng girl na look-alike lang yata ni Marian.

Kung totoong webcam scandal nga ‘yon, bakit hindi ipinalabas ang nilalaman ng video nang magkaalaman kung si Marian nga ang babaeng nakunan ng photo na may ka-chat?

Obviously, peke ang webcam photo scandal na ginawa nila sa dyowa ni Dingdong Dantes.

To begin with, bakit naman gagawa ng scandal si Marian, eh, ang ganda-ganda ng career niya, ‘di ba?

And who will she chat with?

Mayroon lang sigurong matindi ang galit kay Marian na nagpakalat ng webcam photo niya kahit peke naman.

Naku, patulan pa kaya ito ng star ng Kung Fu Divas?

Kung mayroon si Marian na webcam scandal, hindi rin naman daw nagpahuli ang dyowa niyang si Dingdong na mayroong nude photo scandal.

Nang makita namin ang sinasabing nude photo ni Dindong ay talagang napatawa kami. Obvious na obvious naman kasing kahawig lang ng Kapuso actor ang nasa hubad na larawan. Malayong-malayo ang hitsura ng aktor sa hubad na lalaking nakunan ng picture habang nagpapaligaya ng sarili.

Naku ha, parang trending ngayon ang paglabas ng mga nude photo at sex scandals ng  mga artista kahit karamihan naman dito ay halatang peke.

Just recently, si Angel Locsin ay nabiktima rin ng ganitong scandal pero walang naniwala. Ayun, lumitaw na nga ang original photo ng babaeng nakalabas ang dede na siyang pinagkunan ng photo na ikinabit lang ang ulo ni Angel.
Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …