Thursday , January 9 2025

Financier ng Zambo siege binubusisi ng Palasyo

092213_FRONT
PURSIGIDO ang Malacañang na mabatid kung sino ang financier ng grupo ni Nur Misuari na umatake sa Zamboanga City.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ito ang dahilan kaya iniutos ni Pangulong Benigno Aquino III ang imbestigasyon kung bakit mistulang hindi nauubusan ng ammunition o bala ang MNLF-Misuari group makalipas ang ilang araw.

Ayon kay Valte, makikita na lamang sa mga susunod na araw kung sino ang nagpopondo sa ‘war chest’ ng mga rebelde dahil nagagawang makipagsabayan ng putukan sa mga militar.

Sa ngayon aniya ay nakatutok ang gobyerno sa clearing operations at mailigtas ang natitirang bihag ng mga tauhan ni Misuari sa pangunguna ni Habier Malik.

Bala ng MNLF paubos na — AFP

ZAMBOANGA CITY – Naniniwala ang Armed Forces of the Philipphines (AFP) na paubos na ang bala ng Moro National Liberation Front (MNLF) Misuari group at malapit na nilang makorner.

Sinabi ni Lt. Col. Ramon Zagala, AFP-PIO chief at military spokesman sa ground, tatapusin nila ang opensiba sa lalong madaling panahon habang nauubos ang MNLF-Misuari group.

Ayon kay Zagala, batay sa nakuhang nilang impormasyon mula sa mga nahuhuli at sumusukong rebelde, pinatatagal na lamang ng grupo ang kanilang operasyon at wala nang kakayahang makipagharapan o sabayan sa pwersa ng gobyerno.

Kasama aniya sa nakorner ang komander ng grupo na si Habier Malik, ang kanang kamay at dating spiritual adviser ni Misuari.

Sa ika-13 araw
120 kataopatay sa Zambo stand-off

Nalagasan pa ng lima ang hanay ng Moro National Liberation Front (MNLF) ngayong ika-13 araw ng bakbakan sa tropa ng gobyerno sa Zamboanga City.

Sa panayam, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Lt. Col. Ramon Zagala, napatay nila ang mga rebelde kahapon kaya bumaba na sa 35 ang natitirang MNLF.

“May napatay tayo kaninang lima. Ang estimate natin 30 to 40… so nasa 35 siguro po (ang natitira), estimate lang ‘yun.”

Nanatili aniya sa 20 ang tinataya nilang bihag na sibilyan ng mga MNLF.

Kaugnay naman ng operasyon, sinabi ni Zagala na hindi na sila gumagamit ng heavy weapons sa pangambang maka-pahamak ng sibilyan ngayong nasa close quarter battle na sila na “dipa-dipa na lang ang pagitan namin at ng kalaban.”

Bagama’t hindi makapagbigay ng takdang petsa kung kailan matatapos ang bakbakan, tiniyak ni Zagala: “Nasa atin po ang momentum. .. Patuloy ang pag-atras ng ating mga kalaban habang sila po ay naiipit sa isang lugar.”

Sa huling tala, 120 na ang patay sa krisis sa Zamboanga City.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Masakit na lalamunan at pamamaos pinagaan ng Krystall Nature Herbs at Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Isang masaganang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *