Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Totoy patay sa kuyog ng 5 Rugby boys

092113_FRONT

BACOLOD CITY – Patay ang 6-anyos batang lalaki matapos pagtulungang bugbugin ng rugby boys sa lungsod ng Talisay, lalawigan ng Negros Occidental.

Binawian ng buhay si Joemarie Sarmiento ng Brgy. Zone 9, Talisay City bunsod ng malubhang sugat sa ulo matapos limang beses hatawin ng dos por dos na may pako, sinuntok ng tatlong beses sa mukha at tinalian ng electric wire sa mga kamay.

Isinugod sa pagamutan ang biktima nang natagpuan ng ilang residente na walang malay ngunit idineklarang dead on arrival.

Nahuli ang tatlo sa limang mga salarin na pawang menor de edad na kinilala sa kanilang mga palayaw na sina John Mark, 14; Jay-r, 11; at Rap-rap, 9; habang patuloy na pinaghahanap ang isang alyas Rommel at ang itinuturong mastermind na si Raffy Hinolan, 19.

Batay sa salaysay ni John Mark, sumisinghot sila ng sealant sa bakanteng lote malapit sa bahay ng biktima ngunit kanilang nakita si Sarmiento na pumunta sa lugar upang magbawas.

Nilapitan nila ang biktima at pinagpapalo sa ulo ng dos-por-dos na may pako saka pinagsusuntok hanggang nawalan ng malay.

Inamin ng grupo na napagtripan lamang ni Hinolan ang biktima.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …